Add parallel Print Page Options

Binalaan ng Diyos ang Kanyang Bayan

20 Ipahayag mo ito sa sambahayan ng Jacob,
    at ibalita mo ito sa Juda, na sinasabi,
21 “Pakinggan(A) ninyo ito ngayon, O hangal at bayang walang unawa;
    na may mga mata, ngunit hindi nakakakita;
    na may mga tainga, ngunit hindi nakakarinig.
22 Hindi(B) ba kayo natatakot sa akin? sabi ng Panginoon,
    hindi ba kayo nanginginig sa aking harapan?
Sapagkat inilagay ko ang buhangin bilang hangganan sa karagatan,
    isang palagiang hadlang na hindi nito malalampasan;
bagaman tumaas ang mga alon, hindi sila magtatagumpay,
    bagaman ang mga ito'y magsihugong, hindi nila ito madadaanan.

Read full chapter